Mga Paaran Para sa Pag-abokasya sa Kinabukasan ng mga Neurodiverse at Disabled na Bata sa BC

Ang Mga Pangamba

Ilang daang liham ng pag-aalala ang natanggap ng ACT galing sa mga pamilya kasunod ng pahayag ng Ministry of Children and Family Development (MCFD) na tatanggalin na ang individualized funding o perang nakalaan sa bawat batang may Autism sa taong 2025.

Kritikal ang mga pamilyang may mga kaanak na may kapansanan sa bagong planong ito, at kahit nang matapos ang tatlong taong pagsisikap ay hindi pa rin maliwanag ang detalye tungkol sa bagong sistemang tinatawag na “hub”. Iba’t ibang pananaw ng mga tao at komplikado ang sitwasyon, ngunit maliwanang na kailang ng malaking pagbabago sa sistema ng pag-popondo para sa pangangailangan ng lahat ng mga batang may karamdaman. Sa maraming pamilya, ang individualized funding ay ang tamang sistema; maaaring sa iba, hindi ito sapat. Kinakailangan ng sistemang angkop at sasagot sa pangagailangan ng bawat pamilya, na hindi maaaring ibahin lamang ng susunod na gobyerno.

Pag-abokasya

Hindi tayo dapat mawalang ng pag-asa. Ito ang oras para magsama sama ang lahat ng pamilyang may kaanak o kaibigan na may diverse needs. Itaas natin ang ating mga boses upang marinig ng gobeyerno ang ating pananaw! Bukod sa mga taong may pamyabad sa pribadong serbisyo, karamihan sa atin – lalo sa may mga batang anak na naghihintay ng assessment, diagnosis, at serbisyo – ay naiwang naghihintay ng matagal sa kakaunting maibibgay ng gobyerno.

Pag-abokasya

Maraming paraan ng pag-aabokasya. Ito ay ating karapatan at tungkulin bilang mamamayan. Maari tayong sumulat sa ating mga politiko at media; sumali sa mga rally; pwede rin tayong pumirma sa mga petisyon; at maaari tayong manghingi ng pakikipag- pulong sa ating MLA (Members of BC’s Legislative Assembly). Sa pakikipag-usap, ingatang maging magalang pero matatag sa pananalita. Ipaalam natin ito sa ating mga pamilya at kaibigan, sa mga taong naglilingkod sa ating mga anak at pamilya, upang makakuha tayo ng mas maraming suporta. Madalas ay gustong tumulong ng ating mga kaibigan; karaniwan ay hindi alam kung paano. Humingi tayo ng tulong sa kanila para sa paggawa ng liham, pagsama sa rally, o pag pirma sa mga petisyon. Para malaman ang susunod na petisyon at rally, pumunta sa  ACT’s Facebook Page or Community Initiatives.

Ipadala ang inyong liham sa mga sumusunod:

  • Mitzi Dean, Minister for MCFD [email protected].
  • Ang iyong Member of the Legislature (MLA). Para makilala ang inyong MLA:  www.leg.bc.ca/learn-about-us/members. Humingi ng meeting sa inyong MLA! Dalhin ang inyong anak at ipakilala sa kanila.
  • Ang Premier, John Horgan [email protected].
  • Adrian Dix, Minister for Health [email protected] tungkol sa 2,000 batang naghihintay ng diagnosis sa BC Autism Assessment Network.
  • Jennifer Whiteside, Minister ng Education, [email protected] para sa katanungan tungkol sa skwela at edukayson ng inyong anak.
  • Isama sa email ang ACT, upang makatulong sila sa inyong adbokaysa: [email protected].

Isyu na Kailangan ng Kasagutan Ayon sa mga Pamilya and Community Organizations

  • Ang pag buwag ng kasalukuyang serbisyo sa mga pamilya is magiging sagabal sa progreso ng bata
  • Kung walang pagkakataoang pumili ng service provider ang pamilya, paano kung hindi angkop ang ibibigay ng hub?
  • Ilarawan ang kondisyon at pangangailangan ng inyong anak. Sapat ba ang suportang natatanggap ninyo? Kung hindi, paano ito maaaring mapabuti?
  • Sa bagong sistemang “hub”, may karagdagang isang-katlo (1/3) pang mga bata ang bibigyan ng serbisyo, ngunit walang grantisadong dagdag sa pondo. Paano masisigurado na walang napakatalaga na waitlist at paghihintay? O lahat ba ng amilya ay mabibiktima ulit ng pagbabawas ng pondo, katulad ng nangyari noong 20 taong nakalipas?
  • Ayon sa bagons sistema, ang mga “hubs” ay maaaring magbigay ng serbisyo ayon sa pangangailangan ng mga bata (“needs-based). Sino at ano ang kwalipikasyon ng taong magsasabi ng pangangailangan ng anak ko? Ang Child Development Centres (CDCs) ngayon ay mayroong serbisyong tulad nito, at sa kasawiang palad, marami ay hindi nabibigyan ng serbisyo, o nalalgay sa napakatagal na paghihintay; mayroong mga batang hindi na nabigyan ng serbisyo.
  • Nagpahayag ang MCFD na gagamit sila ng assessment tools, ngunit ang mga espesyalista ay maraming katanungan tungkol sa kaangkopan nito sa maraming bata.
  • Ang diagnosis ay importante para sa pang matagalang pagbuti ng kalagayan ng mga bata. Sa ngayon, umaabot ng 2 taon ang paghihintay para sa diagnosis. Kailan tatapusin ng Ministry of Health ang ganitong katagal na paghihintay?

Manatiling Maalam

Paulit ulit ang pag-update ng impormasyon sa ACT website: New MCFD Framework for Children with Support Needs Maaari ninyong bisitahin ang link bago kayo tumawag o lumihan sa kinauukulan.

Sumali sa Join ACT’s confidential email list at i- follow ACT on Facebook para sa karagdagang impormasyon. Maari rin tayong mag-post ng tanong o pangamba sa ACT’s Facebook page.

Mga Pagbabago Mula sa MCFD

See announcements and resources from MCFD on the new framework.